PAGLALAKBAY TUNGO SA STEM
I.
Panimula
Sa pagbabasa ng blog na ito, marami ang matututunan
patungkol sa kung ano nga ba talaga ang kursong Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM) na isa sa apat na strand na nakapaloob sa
Academic Track ng bagong K-12 curriculum sa Pilipinas. Dinisenyo ang babasahing
ito para mahikayat ang mga susunod pang mag-aaral na tutungtong sa Senior High
School upang piliin ang strand na ito
at upang tulungan din silang makapili ng propesyon o larangan na kanilang tatahakin.
Ang blog na
ito ay naglalaman ng mga mahahalagang impormasyon patungkol sa STEM. Kabilang
na rito ay ang mga kursong maaaring kuhanin ng isang estudyante ng STEM sa
pagtungtong sa kolehiyo, mga paksa o asignaturang sa strand na ito lamang
itinuturo, at kung ano nga ba ang mga benepisyo ng pag-aaral sakop nito. Bukod
pa rito, may nakapaloob din ditong mga dagdag kaalaman tungkol sa agham,
teknolohiya, pag-iinhinyero, at sipnayan. Ito ay patunay lamang na ang blog na ito ay hindi lamang ginawa
upang magbigay detalye patungkol sa kursong STEM, bagkus ay nakakapag-abot din
ng mga panibagong kaalaman sa mga mambabasa. Bukod sa mga estudyante, isa sa
maaaring makinabang din sa pagbabasa ng blog
na ito ay ang mga magulang ng mga mag-aaral na nais kumuha ng kursong STEM sa
antas pangsekondarya. Sa pamamagitan ng babasahing ito, matutuklasan ng mga
magulang kung ano ba ang landas na gustong tahakin na kanilang mga anak sa
pagkuha ng STEM at kung paano ba nila maibibigay ang kanilang buong suporta sa
pag-aaral ng mga ito.
Sa kabuuan, ang babasahing ito ay nilikha upang maging
katuwang ng mga mag-aaral na nagnanais tahakin ang landas na mayroon sa strand na STEM at upang tulungan silang
makapagdesisyon sa kung ano nga ba ang nais nilang maging sa hinaharap.
Magsisilbi itong pagpapakilala sa mga kabataan at magulang kung ano ba ang
strand na ito at kung ano ang mga maaaring matutunan dito.
II. Nilalaman
Ano nga ba ang kursong STEM?
Ang STEM ay pinagisang salita para sa Science, Technology, Engineering at,
Mathematics. Ito ay isang strand na nakapaloob sa academic track ng bagong kurikulum pang-edukasyon sa Pilipinas na
inihahanda ang mga mag-aaral na nasa sekondaryang antas na nais kumuha ng kurso
sa kolehiyo na naglalayong magkamit ng antas ng Batsilyer sa Agham, kabilang
dito ang Agham pangkalusugan, Agham pang-agrikultura, impormasyong
pang-teknolohiya, arkitektura, pag-iinhinyero, at kursong pang-medisina.
Samakatuwid, ang STEM ay isang kursong pangsekondaryang
nagsisilbing pintuan patungo sa napakarami pang posibilidad at pag-unlad na maaaring
maganap sa ating mundo. Isinusulong nito kakayanan ng isang mag-aaral sa
pagresolba ng problema gamit ang iba’t ibang sangay ng agham at sipnayan.
Malawak na oportunidad
sa pag-aaral ng kursong STEM
Ang kursong
STEM ay hindi lamang isang programang pang-edukasyon na nagbibigay kaalaman sa
mga mag-aaral bagkus, ito ay isang instrumento na makapagpapaunlad sa isang indibidwal.
Ang mga kaalaman na nakapaloob dito ay maaari natin magamit para sa pagtupad at
pag-abot ng ating mga mithiin. Isa na dito ang pagkakaroon ng isang disenteng
trabaho tulad ng mga sumusunod:
- · Inhinyero (sibil, mekanikal, kemikal, elektrikal, pang-industriya, at iba pa.)
- · Arkitekto
- Pagdodoktor
- · Estatistiko
- · Siyentipiko
- · Chemist
- · Computer programmer
- · Software developer
- · Pharmacist
- · Computer system analysis
- · IT manager
- · Pagdedentista
- · Nurse
- · Biologist
- · Physician
MGA PAKSANG NATATANGI SA STEM
1. Pre-Calculus
2. Basic Calcul
3.
Pangkalahatang Haynayan 1
4.
Pangkalahatang Haynayan 2
5.
Pangkalahatang Kimika 1
6.
Pangkalahatang Kimika 2
7.
Pangkalahatang Pisika 1
8.
Pangkalahatang Pisika 2
Ang
mga paksang ito ay itinuturo lamang sa mga estudyanteng nag-aaral ng STEM at
purong may kinalaman lamang sa mga sangay ng siyensya at matimatika. Ang mga
asignaturang Basic-Calculus at Pre-Calculus ay pag-aaral patungkol sa pagbabago
ng isang partikular na bagay o kilos, Karaniwang tinatalakay dito ay ang
hangganan (limit), deribatibo, serye ng walang hanggan (infinite series), at
integral.
Sa
kabilang banda, ang asignaturang Haynayan naman ay umuukol sa pag-aaral ng mga
buhay na nilalang tulad ng mga hayop at halaman. Tinatalakay dito ang iba’t
ibang parte ng kanilang katawan o istraktura, pagkakagrupo ng mga bagay na may
buhay, at maraming pang iba.
Kabilang
din sa mga paksang limitado lamang sa mga mag-aaral ng STEM ay ang
Pangkalahatang Kimika na siya namang pag-aaral tungkol sa kung ano ang bumubuo
sa lahat ng bagay na nasa ating kapaligiran. Madalas ito’y tumatalakay sa iba’t
ibang element at kompuwesto na matatagpuan sa ating sangdaigdig.
Panghuli
ay nariyan anPangkalahatang Pisika na sumasaklaw naman sa pag-aaral ng
mosyon, enerhiya, pwersa, sukat (tulad ng bilis, haba, bigat, sakop na lugar,
at antas ng daloy ng kuryente), at marami pang iba.
Lahat
ng paksang ito ay lumilinang sa kamalayan ng isang mag-aaral patungkol sa mga
kursong nais nilang kunin sa pagtungtong ng kolehiyo. Magagamit nila ang mga
kaalamang nakapaloob sa mga asignaturang ito sa pagpapalawak pa lalo ng
kanilang antas ng katalinuhan sa mga susunod pang panahon.
BAKIT STEM ANG DAPAT PILIIN?
·
Dito, mayroong
malaking porsyento na magkaroon ng trabaho ang isang mag-aaral sa kadahilanang
patuloy na lumalago ang industriya ng siyensya sa buong mundo kalakip na nito
ang pagtuklas ng mga bagong medisina at pamamaraan upang manggamot.
·
Kasama na ng
patuloy na pagbabago ng mundo ay ang pag-unlad din ng paggamit ng teknolohiya
sa ating pang-araw-araw ng pamumuhay. Dulot nito, dumarami rin ang mga
trabahong may kinalaman sa teknolohiya at makinarya.
·
Ang strand ding
STEM ay naglalayong mas maging sibilisado pa ang ating mundo sa pamamagitan ng
pagtuturo sa mga kabataan kung paano dapat gamitin ang mga asignatura tulad ng
matimatika at agham sa pagtatayo ng mga makabagong istraktura sa pamayanan.
MGA PAKINABANG SA PAG KUHA NG STEM
- · Ito ang unang hakbang patungo sa inaasam mong trabaho sa ating industriya.
- · Ikaw ay mahahasa sa pag iisip ng mga bagay bagay.
- · Tuturuan kang maging isang matagumpay na indibidwal.
- · Angkop ito sa maraming kurso na maaari mong kunin sa kolehiyo.
- · Marami kang pwedeng matutunan.
- · Mas mahahasa ang iyong kakayahan sa pag iisip at ito ay magiging malaking tulong sayo.
- · Marami ang matutulungan gamit ang mga kakayahang matututunan dito.
KARAGDAGANG KAALAMAN
SAMPUNG NAKAMAMANGHANG KAALAMAN TUNGKOL
SA SIPNAYAN, PAG-IINHINYERO, AGHAM, AT TEKNOLOHIYA
2.
Sa taong 2010, ang pinakamataas na gusali sa buong ay ang Burj Khalifa sa
bansang Dubai, UAE. Ito ay umabot sa 828 na metro (2717 talampakan).
4.
Ang London eye sa England ay ang pinakamalaking Ferris Wheel sa Europe, na may 135 na metro (442 talampakan).
5. Ang
mga bola ng golf ay may mga “dimples”. Nakatutulong ang mga ito na mabawasan
ang drag, hinahayaan nito ang bola na
lumipad pa kaysa sa makinis na bola.
7.
Ang pagpaphayag kay Bill Clinton bilang pangulo ng Estados Unidos noong Enero
1997 ang unang na-webcast.
8.
Si Marie Curie ang kauna-unahang nanalo ng dalawang Nobel Prize para sa Agham.
9. Isang-katlo
ng populasyon ng mundo ay hindi pa kailanman nakagamit ng telepono.
10.
Nilikha ni Tim Berners-Lee ang pariralang "World Wide Web" noong 1990.
Sa buhay ng isang
mag-aaral ng STEM
Sila yung tipo ng estudyanteng ang pagkakaalam ng marami
ay matatalino at magagaling dahil sa mga paksang kanilang pinag-aaralan. Sila
yung mga mag-aaral ng Senior High School na masasabi nating bihasa sa
pagkakalkula ng mga numero at pagsasagawa ng eksperimento patungkol sa iba’t
ibang bagay. Higit sa lahat sila yung mga kabataang nais maging mga doktor,
inhinyero, arkitekto, sayantipiko, estatistiko, imbentor, at marami pang iba
pagdating ng araw. Sila ang mga mag-aaral ng STEM.
Agad kong masasabing isa kang estudyante ng STEM kung
alam mo ang hirap ng pagiintindi at pagsasagot ng mga katanungang may kinalaman
sa basic at pre-calculus. Taliwas sa paniniwala ng marami, normal lang din sa
isang mag-aaral ng STEM na isa sa mga strand na nakapaloob sa bagong K-12
curriculum ang mahirapan sa mga pagkakabisa at pag-unawa ng mga formula na
sakop ng mga paksang may kinalaman sa sipnayan. Ngunit bilang isang estudyante
ng strand na ito, kailangan nila itong intindihin nang sa hinaharap ay kanilang
gamitin. Mahirap man kung tutuusin, wala namang makakatumbas sa karunungang
maihahatid ng pag-aaral nito sa mga kabataan ng kasalukuyang panahon.
Komplikado ngunit masaya, ganito ko mailalarawan ang pag-aaral sa ilalim ng
kursong STEM sa antas pangsekondarya. Kaugnay nito, masasabi kong napakakulay
at puno ng buhay ang mga karanasang mayroon ang isang estudyante ng strand na
ito. Ika nga ng ilan, walang saysay ang buhay kung walang hirap na dito ay
dinadanas. Tila isang istorya sa mga aklat na wala man lang kahit anong
problemang kinakaharap ang bida.
Alam ko ito sapagkat ako ay isang mag-aaral ng STEM. Ang
bilang isa sa mga kabataang nais gumawa ng larangan patungkol sa agham,
teknolohiya, pag-iinhinyero, at matimatika, obligasyon ko na matutong lumutas
ng mga problema gamit ang apat na asignaturang nabanggit. Kaunti man ang oras
ng pagtulog, sobra sobra naman ang kaalamang pumapasok sa aking isipan habang
nakikinig sa mga paksang itinuturo rito. Bukod pa rito, dala-dala ko ang
pangarap ng marami na magkaroon ang bansang ito ng marami pang mas mahuhusay na
manggagawang handang magsilbi para sa kanilang kapwa.
Ito ang buhay ng isang mag-aaral ng STEM.
III. Sanggunian
- · www.careerwise.mnscu.edu
- · whatis.techtarget.com
- · Isagani Cruz (2014), “The STEM strand”, www.philstar.com
- · Daniel Gubalane (2014), “Senior High School Curriculum Guides from DepEd”, www.danielgubalane.com
- · Rainier Navato (2015), “K-12 STEM Strand”, prezi.com
- · www.sciencekids.co.nz
- · www.reliableplant.com, “30 fun facts about engineering, science and technology”
- · stemdegreelist.com, “What is a STEM Degree?”
- · Dominique Waldron (2016), “Top 15 Benefits of a STEM Education Revisited”, www.stemjobs.com
- · Sheila Jordan (2013), “Why I Chose a STEM (Science, Technology, Engineering and Math) Career”, blogs.cisco.com
- · www.deped.gov.ph
Pangkat blg. 3
Pinuno: Kenneth Salem
Miyembro:
Effraime Medwyn Concepcion
Steven Austin Morales
Aliza Judy Avendano
Kathleen Angela Magbitang
Reymund Jasper
Reyes
Rodrigo Carbonera
Paulo Bautista
Reizel Fernandez
Gilberto Bariso
Salamat sa karagdagang kaalaman,madame akong natutunan sa sinulat mo! sakit.info
ReplyDelete