Saturday 22 July 2017









PAGLALAKBAY TUNGO SA STEM


I.              Panimula
Sa pagbabasa ng blog na ito, marami ang matututunan patungkol sa kung ano nga ba talaga ang kursong Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM) na isa sa apat na strand na nakapaloob sa Academic Track ng bagong K-12 curriculum sa Pilipinas. Dinisenyo ang babasahing ito para mahikayat ang mga susunod pang mag-aaral na tutungtong sa Senior High School upang piliin ang strand na ito at upang tulungan din silang makapili ng propesyon o larangan na kanilang tatahakin.
Ang blog na ito ay naglalaman ng mga mahahalagang impormasyon patungkol sa STEM. Kabilang na rito ay ang mga kursong maaaring kuhanin ng isang estudyante ng STEM sa pagtungtong sa kolehiyo, mga paksa o asignaturang sa strand na ito lamang itinuturo, at kung ano nga ba ang mga benepisyo ng pag-aaral sakop nito. Bukod pa rito, may nakapaloob din ditong mga dagdag kaalaman tungkol sa agham, teknolohiya, pag-iinhinyero, at sipnayan. Ito ay patunay lamang na ang blog na ito ay hindi lamang ginawa upang magbigay detalye patungkol sa kursong STEM, bagkus ay nakakapag-abot din ng mga panibagong kaalaman sa mga mambabasa. Bukod sa mga estudyante, isa sa maaaring makinabang din sa pagbabasa ng blog na ito ay ang mga magulang ng mga mag-aaral na nais kumuha ng kursong STEM sa antas pangsekondarya. Sa pamamagitan ng babasahing ito, matutuklasan ng mga magulang kung ano ba ang landas na gustong tahakin na kanilang mga anak sa pagkuha ng STEM at kung paano ba nila maibibigay ang kanilang buong suporta sa pag-aaral ng mga ito.
Sa kabuuan, ang babasahing ito ay nilikha upang maging katuwang ng mga mag-aaral na nagnanais tahakin ang landas na mayroon sa strand na STEM at upang tulungan silang makapagdesisyon sa kung ano nga ba ang nais nilang maging sa hinaharap. Magsisilbi itong pagpapakilala sa mga kabataan at magulang kung ano ba ang strand na ito at kung ano ang mga maaaring matutunan dito.


II. Nilalaman

 Ano nga ba ang kursong STEM?

           Ang STEM ay pinagisang salita para sa Science, Technology, Engineering at, Mathematics. Ito ay isang strand na nakapaloob sa academic track ng bagong kurikulum pang-edukasyon sa Pilipinas na inihahanda ang mga mag-aaral na nasa sekondaryang antas na nais kumuha ng kurso sa kolehiyo na naglalayong magkamit ng antas ng Batsilyer sa Agham, kabilang dito ang Agham pangkalusugan, Agham pang-agrikultura, impormasyong pang-teknolohiya, arkitektura, pag-iinhinyero, at kursong pang-medisina. 
                        
                         
Ang mga kasanayan na dapat isaalang-alang ng isang mag-aaral ng kursong STEM ay ang pagkakaroon ng kakayahang makapag-analisa, makabuo ng mga proyekto at kakayahang makapag-isip ng mga konklusyon mula sa mga resulta ng isang pananaliksik. Kinakailangan din dito ang kasanayan sa matematika, agham at teknikal. Kinukunsidera din dito ang pagkakaroon ng abilidad sa pagkikipag-komunikasyon, pagiging malikhain, at kakayahang mamuno.  Isa rin sa mga layunin ng pag-aaral nito ay ang mamulat ang mga kabataan patungkol sa patuloy na pagbabago ng mundo dulot ng lumalago pang industriya ng teknolohiya sa buong mundo. Kaya napapabilang ang STEM sa iba pang ispesyalisasyon na mayroon ang programang K-12 ay para makatulong sa paglikha ng mga susunod pang henerasyon ng mga propesyonal sa larangan na kaakibat ng mga asignaturang itinuturo sa kursong ito. Halimbawa na rito ay mga inhinyero, doktor, arkitekto, at iba pa. Kung atin pang susuriin ng maigi ang kursong ito sa Senior High, mababatid natin na napakalawak ng sinasaklaw nito patunay lamang isa ito sa pinakakomplikadong kurso sa antas pangsekondarya. Sa kabilang banda, isa rin ito sa may pinakamalaking posibilidad na makapaghanap ng trabaho sa bansa maging sa buong mundo dahil sa dami ng oportunidad na iniaalok para sa mga nais magtrabaho sa larangan ng siyensya, teknolohiya, pag-iinhinyero, at iba pang may kinalaman dito. 


Samakatuwid, ang STEM ay isang kursong pangsekondaryang nagsisilbing pintuan patungo sa napakarami pang posibilidad at pag-unlad na maaaring maganap sa ating mundo. Isinusulong nito kakayanan ng isang mag-aaral sa pagresolba ng problema gamit ang iba’t ibang sangay ng agham at sipnayan.


Malawak na oportunidad sa pag-aaral ng kursong STEM
            Ang kursong STEM ay hindi lamang isang programang pang-edukasyon na nagbibigay kaalaman sa mga mag-aaral bagkus, ito ay isang instrumento na makapagpapaunlad sa isang indibidwal. Ang mga kaalaman na nakapaloob dito ay maaari natin magamit para sa pagtupad at pag-abot ng ating mga mithiin. Isa na dito ang pagkakaroon ng isang disenteng trabaho tulad ng mga sumusunod: 
  • ·         Inhinyero (sibil, mekanikal, kemikal, elektrikal, pang-industriya, at iba pa.)


  • ·         Arkitekto
  •        Pagdodoktor
  • ·         Estatistiko
  • ·         Siyentipiko
  • ·         Chemist
  • ·         Computer programmer
  • ·         Software developer
  • ·         Pharmacist
  • ·         Computer system analysis
  • ·         IT manager
  • ·         Pagdedentista
  • ·         Nurse
  • ·         Biologist
  • ·         Physician



       MGA PAKSANG NATATANGI SA STEM
       
         1. Pre-Calculus 
         2. Basic Calcul
         3. Pangkalahatang Haynayan 1
         4. Pangkalahatang Haynayan 2
         5. Pangkalahatang Kimika 1
         6. Pangkalahatang Kimika 2
         7. Pangkalahatang Pisika 1
         8. Pangkalahatang Pisika 2



Ang mga paksang ito ay itinuturo lamang sa mga estudyanteng nag-aaral ng STEM at purong may kinalaman lamang sa mga sangay ng siyensya at matimatika. Ang mga asignaturang Basic-Calculus at Pre-Calculus ay pag-aaral patungkol sa pagbabago ng isang partikular na bagay o kilos, Karaniwang tinatalakay dito ay ang hangganan (limit), deribatibo, serye ng walang hanggan (infinite series), at integral.


        Sa kabilang banda, ang asignaturang Haynayan naman ay umuukol sa pag-aaral ng mga buhay na nilalang tulad ng mga hayop at halaman. Tinatalakay dito ang iba’t ibang parte ng kanilang katawan o istraktura, pagkakagrupo ng mga bagay na may buhay, at maraming pang iba.



                 Kabilang din sa mga paksang limitado lamang sa mga mag-aaral ng STEM ay ang Pangkalahatang Kimika na siya namang pag-aaral tungkol sa kung ano ang bumubuo sa lahat ng bagay na nasa ating kapaligiran. Madalas ito’y tumatalakay sa iba’t ibang element at kompuwesto na matatagpuan sa ating sangdaigdig. 

                Panghuli ay nariyan anPangkalahatang Pisika na sumasaklaw naman sa pag-aaral ng mosyon, enerhiya, pwersa, sukat (tulad ng bilis, haba, bigat, sakop na lugar, at antas ng daloy ng kuryente), at marami pang iba.



                     Lahat ng paksang ito ay lumilinang sa kamalayan ng isang mag-aaral patungkol sa mga kursong nais nilang kunin sa pagtungtong ng kolehiyo. Magagamit nila ang mga kaalamang nakapaloob sa mga asignaturang ito sa pagpapalawak pa lalo ng kanilang antas ng katalinuhan sa mga susunod pang panahon.


BAKIT STEM ANG DAPAT PILIIN?


·       
              Dito, mayroong malaking porsyento na magkaroon ng trabaho ang isang mag-aaral sa kadahilanang patuloy na lumalago ang industriya ng siyensya sa buong mundo kalakip na nito ang pagtuklas ng mga bagong medisina at pamamaraan upang manggamot.

·         Kasama na ng patuloy na pagbabago ng mundo ay ang pag-unlad din ng paggamit ng teknolohiya sa ating pang-araw-araw ng pamumuhay. Dulot nito, dumarami rin ang mga trabahong may kinalaman sa teknolohiya at makinarya.

·         Ang strand ding STEM ay naglalayong mas maging sibilisado pa ang ating mundo sa pamamagitan ng pagtuturo sa mga kabataan kung paano dapat gamitin ang mga asignatura tulad ng matimatika at agham sa pagtatayo ng mga makabagong istraktura sa pamayanan.


MGA PAKINABANG SA PAG KUHA NG STEM

  • ·         Ito ang unang hakbang patungo sa inaasam mong trabaho sa ating industriya.
  • ·         Ikaw ay mahahasa sa pag iisip ng mga bagay bagay.
  • ·         Tuturuan kang maging isang matagumpay na indibidwal.
  • ·         Angkop ito sa maraming kurso na maaari mong kunin sa kolehiyo.
  • ·         Marami kang pwedeng matutunan.
  • ·         Mas mahahasa ang iyong kakayahan sa pag iisip at ito ay magiging malaking tulong sayo.
  • ·         Marami ang matutulungan gamit ang mga kakayahang matututunan dito.


KARAGDAGANG KAALAMAN
SAMPUNG NAKAMAMANGHANG KAALAMAN TUNGKOL SA SIPNAYAN, PAG-IINHINYERO, AGHAM, AT TEKNOLOHIYA



1. Ang salitang inhinyero ay nagmula sa salitang latin na “ingeniare” na nangangahulugang makipagbalita at makapag-isip " at "cleverness” na nangangahulugan katalinuhan.
2. Sa taong 2010, ang pinakamataas na gusali sa buong ay ang Burj Khalifa sa bansang Dubai, UAE. Ito ay umabot sa 828 na metro (2717 talampakan).
3. Ang barkong Titanic ay may habang 882 na talampakan (269 metro).
4. Ang London eye sa England ay ang pinakamalaking Ferris Wheel sa Europe, na may 135 na metro (442 talampakan).
5. Ang mga bola ng golf ay may mga “dimples”. Nakatutulong ang mga ito na mabawasan ang drag, hinahayaan nito ang bola na lumipad pa kaysa sa makinis na bola.
6. Ang isang diyamante ay hindi natutunaw sa asido. Ang tanging bagay na maaaring sirain ito ay matinding init.
7. Ang pagpaphayag kay Bill Clinton bilang pangulo ng Estados Unidos noong Enero 1997 ang unang na-webcast.
8. Si Marie Curie ang kauna-unahang nanalo ng dalawang Nobel Prize para sa Agham.
9. Isang-katlo ng populasyon ng mundo ay hindi pa kailanman nakagamit ng telepono.
10. Nilikha ni Tim Berners-Lee ang pariralang "World Wide Web" noong 1990.

Sa buhay ng isang mag-aaral ng STEM
Sila yung tipo ng estudyanteng ang pagkakaalam ng marami ay matatalino at magagaling dahil sa mga paksang kanilang pinag-aaralan. Sila yung mga mag-aaral ng Senior High School na masasabi nating bihasa sa pagkakalkula ng mga numero at pagsasagawa ng eksperimento patungkol sa iba’t ibang bagay. Higit sa lahat sila yung mga kabataang nais maging mga doktor, inhinyero, arkitekto, sayantipiko, estatistiko, imbentor, at marami pang iba pagdating ng araw. Sila ang mga mag-aaral ng STEM.

Agad kong masasabing isa kang estudyante ng STEM kung alam mo ang hirap ng pagiintindi at pagsasagot ng mga katanungang may kinalaman sa basic at pre-calculus. Taliwas sa paniniwala ng marami, normal lang din sa isang mag-aaral ng STEM na isa sa mga strand na nakapaloob sa bagong K-12 curriculum ang mahirapan sa mga pagkakabisa at pag-unawa ng mga formula na sakop ng mga paksang may kinalaman sa sipnayan. Ngunit bilang isang estudyante ng strand na ito, kailangan nila itong intindihin nang sa hinaharap ay kanilang gamitin. Mahirap man kung tutuusin, wala namang makakatumbas sa karunungang maihahatid ng pag-aaral nito sa mga kabataan ng kasalukuyang panahon. Komplikado ngunit masaya, ganito ko mailalarawan ang pag-aaral sa ilalim ng kursong STEM sa antas pangsekondarya. Kaugnay nito, masasabi kong napakakulay at puno ng buhay ang mga karanasang mayroon ang isang estudyante ng strand na ito. Ika nga ng ilan, walang saysay ang buhay kung walang hirap na dito ay dinadanas. Tila isang istorya sa mga aklat na wala man lang kahit anong problemang kinakaharap ang bida.
Alam ko ito sapagkat ako ay isang mag-aaral ng STEM. Ang bilang isa sa mga kabataang nais gumawa ng larangan patungkol sa agham, teknolohiya, pag-iinhinyero, at matimatika, obligasyon ko na matutong lumutas ng mga problema gamit ang apat na asignaturang nabanggit. Kaunti man ang oras ng pagtulog, sobra sobra naman ang kaalamang pumapasok sa aking isipan habang nakikinig sa mga paksang itinuturo rito. Bukod pa rito, dala-dala ko ang pangarap ng marami na magkaroon ang bansang ito ng marami pang mas mahuhusay na manggagawang handang magsilbi para sa kanilang kapwa.

Ito ang buhay ng isang mag-aaral ng STEM. 





     III. Sanggunian

  • ·         www.careerwise.mnscu.edu
  • ·         whatis.techtarget.com
  • ·         Isagani Cruz (2014), “The STEM strand”, www.philstar.com
  • ·         Daniel Gubalane (2014), “Senior High School Curriculum Guides from DepEd”, www.danielgubalane.com
  • ·         Rainier Navato (2015), “K-12 STEM Strand”, prezi.com
  • ·         www.sciencekids.co.nz
  • ·         www.reliableplant.com, “30 fun facts about engineering, science and technology”
  • ·         stemdegreelist.com, “What is a STEM Degree?”
  • ·         Dominique Waldron (2016), “Top 15 Benefits of a STEM Education Revisited”, www.stemjobs.com
  • ·         Sheila Jordan (2013), “Why I Chose a STEM (Science, Technology, Engineering and Math) Career”, blogs.cisco.com
  • ·         www.deped.gov.ph




Pangkat blg. 3
Pinuno: Kenneth Salem
Miyembro:
Effraime Medwyn Concepcion
Steven Austin Morales
Aliza Judy Avendano
Kathleen Angela Magbitang
Reymund Jasper Reyes
Rodrigo Carbonera
Paulo Bautista
Reizel Fernandez

Gilberto Bariso

PAGLALAKBAY TUNGO SA STEM I.                Panimula Sa pagbabasa ng blog na ito, marami ang matututunan patu...